MY FRIENDS ARE MY SECOND FAMILY
MY FRIENDS ARE MY SECOND FAMILY
PINOY MEDIUM BROTHER
Kasaysayan:
Nabuo ang barkadahang PMB sa kalagitnaan ng taong 2005 nang nasa second year high school pa kami noon. Ito ang unang barkada na kinabilangan ko. Nabuo kami ssa panahon ng kasikatan ng programang Pinoy Big Brother sa telebisyon.
Tambayan:
Sa bahay ng isa namin kaibigan na si Honey sa may Serantes, Jolo. Isa itong apartment na ubod ng laki.
Mga miyembro (17):
1. Mudir Estrella
2. Emran Hailidani
3. Kevin Dantes
4. Romard Concepcion
5. Zanshevar Shammah
6. Fahd Tan
7. Morgan Salcedo
8. Mickey Tulawie
9. Jeryeana Abam
10. Sheila Caberte
11. Melanie Limpalan
12. Chuhima Julkipli
13. Honey Que
14. Edz Egera
15. Hadzra Bayani
16. Niza Sakandal
17. Zerikho Timbreza
Masaya ang naging barkadahan. Batang bata pa kami kung mag-isip nun. Tinatawagan naming parati yung FM hotline para bumati at magrequest ng PINOY AKO habang sabay sabay kami sumasayaw at kumakanta kahit wala na kami sa tono. Ang saya, naroon yung pagmamahal ng bawat isa. Marami din mga naging kalokohan. Nariyan ang madalas na pag-aaway nina Zanshevar at Honey, and madalas na tampuhan na namamagitan kina Jeryeana, Sheila, at Edz. Nagkasabay din nanligaw sina Mudir, Kevin, at Emran kay Jeryeana nun habang nanligaw naman si Romard kay Sheila. Nakakatuwang sariwain yung mga nangyari. Mga musmos pa kami kung maituring ngunit nagsilbing gabay ang pagkakaibigan naming sa wastong pag-unlad ng kaisipan namin at paghubog ng aming mga pakatao. Ngunit sa laki nga naman ng barkada ay nagkahiwahiwalay din matapos ang dalawang buwan
GIMIKEROZ
Kasaysayan:
Nabuo kaming Gimikeroz, grupo ng mga magagala, sa pagtatapos ng samahang PMB. November 12, 2005 nang kami ay nagging pormal na Gimikeroz.
Tambayan:
Bahay nina Romard
Bahay nina Mudir
Bahay nina Kevin
Bahay nina Zanshevar
Capitol
Maubuh Beach
NDJHS-K BAMBOO SITE
Mga Miyembro (10):
1. Mudir Estrella
2. Emran Hailidani
3. Romard Concepcion
4. Kevin Dantes
5. Zanshevar Shammah
6. Suodi Muhalli
7. Bismar Damsani
8. Fahd Tan
9. Morgan Salcedo
10. Zerikho Timbreza
Gala doon, gala dito. Kay saya ng mga trip ng Gimikeroz lalo na’t halos lahat kami ay may kanya kanyang motor. Si Fahd or si Mudir yung madalas nananalo sa karera. Mayabang nga lang yung dating ng naging barkada pero talagang nabuo yung tunay na pagsasamahan. Araw araw pagkatapos ng klase ay tatambay kami sa kung saan naming magustuhan. Dito na rin nahubog yung kaalaman naming sa musika kaya naman ay nakabuo kami ng sarili naming banda. Mahilig din kami maglaro ng Basketball at kung anu-ano ang ginagawa namin pag nagiinternet. Alam niyo na yun mga tol. Karamihan ng mga magulang namin ay magkakaibigan din kaya naman pinapayagan kami magsama sama. Madalas din kami mag-overnight. Either kina Romard, Mudir, or Kevin. Madalas nga lang nagkakabangga ang ilan sa amin. Mdalas nag-aaway ang magbestfriend na sina Mudir at Zanshevar. Hindi mo rin pwedeng pagsamahin sina Zanshevar at Suodi. Madalas din kami mabadtrip sa tagal ni Romard magbihis.
ULTIMATE DANCE FOUR
Kasaysayan:
Nabuo yung barkadang ito dahil madalas kaming apat ang sumasayaw pag intermission sa school. Akalain mo yun? Kasama ako.
TAMBAYAN:
Bahay nina Mudir
Bahay nina Jeryeana
Mga Miyembro (4):
1. Mudir Estrella
2. Jeryeana Abam
3. Emran Hailidani
4. Chimz Julkpli
Yun nga, dahil madalas kami sumasayaw sa school, madalas din kami nagkakasama sa practices. Extracurricular din yun. Madalas nga lang ang nagiging awayan sa pagitan ng apat.
CHICKCHI
Kasaysayan:
Nabuo sa tapat ng bahay nina Kevin ang barkadang ito na hanggang ngayon ay nagkakausap usap pa rin. Napakalaki ng grupong ito sapagkat halos isang daan ang miyembro.
Tambayan:
NDJHS-K CAFETERIA
LABORATORY STAIRS
Mga Miyembro:
Lahat ng students ng 404 at 403 batch 2007-2008
Madalas man nagkakanya kanya ang mga miyembro ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala para sa bawat isa. Long Live Chickchi. Ang yaman yaman ng grupong ito. Alvin, asan na ang pera? Loko lang. Ilan ulit din nagparty ang grupong ito. Miss ko na kayo.
FAME
Kasaysayan:
Nabuo nung 4th year high school na kami. Hango sa pangalan namin ang FAME.
Tambayan:
Bahay nina Adz
Bahay nina Evan
Bahay nina Mudir
Mga Miyembro (4):
1. Fahd Tan
2. Adz Abing
3. Mudir Estrella
4. Evan Madjilon
Lahat ng mga magulang naming ay magkakaibigan lalo na’t nasa iisang clan sina Fahd, Evan, at Mudir. Si Adz naman ay nasa kabilang clan pero hindi yun issue sa amin. Ang unique tungkol sa barkadahang ito ay kahit sino ang ipareha mo sa bawat isa ay close pa din. Magbestfriends nga daw kaming lahat sabi ni Fahd, ang kuya ng grupo.
TUKS
Kasaysayan:
Ito ang natatangi kong barkada sa kolehiyo. Nabuo noong Oktubre 2008. Mahirap talaga i-trace kung paano nagsimula ang lahat kasi ang dami ng connections na mabubuo. Nagsimula sa lima, ang mga indayog trainees ng block 4, hanggang sa mapasali ang iba pang tatlo (kasama ako) na malapit din sa mga indayog. At ngayon ay siyam na kami dahil napasali na din ang naging sobrang close sa mga tuks na naging FBCs.
Yung pangalan pala namin, hango siya sa kinakain na TUKNENENG. Imperfect yung shape niya sa labas pero perpekto ang hugis at laman nito sa loob. Ganyan ang TUKS.
Tambayan:
Bahay nin Ash
Bahay nina Des
Bahay nina Jhei
Bahay nina Cleve
Robinsons
MGA MIYEMBRO (9):
1.Cleve Arguelles
2.Ashley Astibe
3.Lei Dela Cruz
4.Mudir Estrella
5.Eks Fabito
6.Levi Lomuntad
7.Jhei Maniulit
8.Mariel Quiogue
9.Des Santos
Maraming pangyayari sa buhay ng barkadahang tuks. Awayan, barahan, daldalan, aralan, reviewan, tampuhan, iyakan, partyhan, kampihan, at ang pinakaimportanteng phenomena na hindi pa rin naming maipaliwanag hanggang ngayon ay ang BILUGAN. Nakakamiss nga lang ang mga taong ito dahil magkakaiba na yung schedules namin tapos si Lei naman ay lumipat na sa Diliman. Busy na rin kasi yung ibang tuks sa pagiging FBCs nila pero nagmature naman yung karamihan.
Cleve Kevin Robert Arguelles
-Siya ang pinakamay leadership sa group. Ayaw niyang magkamali at hinding hindi niya tatanggapin na may mali siya. Pero paraan niya lang ito para maging strong yung personality niya. Maraming hindi nakakaintindi sa kanya pero kapag nakilala mo naman siya ng mabuti, masasabi mo na nagkamali ka ng unang pagkakakilala sa kanya. At present, nagmature talaga siya lalo na naging co-chair siya ng FBC.
Ang Manila Science High School ang naghubog ng kanyang kritikal na pag-iisip. Ang bestfriend niya sa tuks ay si Ashley, sa FBC naman ay si Trisha. Madalas niya rin nakakasama sina Des, Mariel, Levi, Eks, at Jhei.
Hindi rin siya natatakot sabihin kung ano yung mga nasa isip niya. May mga oras na naiisip kong baka vulnerable din siya sa loob pero yun yung side niya na hinding hindi niya ipapakita.
Nazelle Ashley Astibe
-Ang fashionista ng grupo. Pilosopikal din siya mag-isip. Galing siya sa San Juan at may sarili siyang grupo sa pagsasayaw.Si Ash ang tipo ng taong ipagtatanggol ka talaga lalo na kapag nararamdaman niya na kawawa talaga yung kaibigan niya sa isang sitwasyon. May mga jokes at banat din siya. Matatawa ka rin naman sa kanya.
Si Cleve ang bestfriend ni Ash, magkasundong magkasundo sila sa halos lahat ng bagay lalo na sa paborito nilang color—GREEN..
Timatamad parati si Ash mag-aral pero nakakakuha pa rin siya ng mga matataas na mga marka. Kagaya nung Chemistry naming nung First Year, on the spot na siya nag-aral pero siya lang ang nakakuha ng perfect score. Galing.
Lei Martheen Dela Cruz
-ang nilalang na inuuno ang mga subjects na hindi kauno uno. Inuno ba naman ang College Algebra. Siya ang batang gapo naming. Lumaki siya sa lola niya pero nagtransfer siya sa Maynila nung 2nd year high school. Valedictorian siya ng Malate Catholic School. Orange ang kanyang paboritong kulay at siya ang tao na binabagayan ng kahit anong isuot niya.
Si Mudir ang bestfriend niya pero yun nga, nasa Diliman na ngayon si Lei kasi ACCOUNTANCY na yung course niya.
Napakalakas ng boses niya at strong yung personality niya. Mahirap din baguhin yung mga pinaniniwalaan niya lalo na kung hindi ka makapagbigay ng rational reasons. Pero nakakamiss talaga siya—ang lahat sa pagkatao ni Lei.
Maria Christina Fabito
-Ang pinaka-artistic sa tuks. Ang ganda ng mga drawings niya at siya rin ang bahala pag pafvivideo na ang usapan. Isan kaibigan na talagang matatakbuhan at makikinig sayo. Galing siya sa North Caloocan. Magaganda ang mga pangarap niya sa buhay niya, at madalas ay iniisip niya muna ang kapakanan ng ibang mga tao.
Si Des ang bestfriend niya. Imposibleng iwan niya si Des dahil true friend talaga si Eks.
Trabaho kung trabaho, on time kung on time. Ganyan siya ka-professional pagdating sa mga assigned tasks sa kanya. Mapagmahal na anak at kapatid din si Eks. Alam niya rin yung mga kahinaan niya at hindi niya kinakaila pag may mga bagay na gusto pa niyang matutunan.
Levi Lomuntad, Jr.
-Una siyang nakilala bilang EMO ng block naming pero ngayon ay isa na siyang masayahing tao. Loyal na kaibigan din siya. Actually, marami silang things in common ni Eks. Responsible din siyang tao at siya ang tipo ng tao ma pa gang usapan ay 9 a.m, asahan mong 6 a.m pa lang ay mapupuno na ng messagews yung cp mo dahil andun na siya.
Sina Des, Cleve, at Eks ang closest friends niya. Madalas niya rin nakakasama sina Rafael, Steven, Paulo, Tessa, at dati pati si Angelo na nasa Diliman na rin ngayon.
Maaaring hindi pa siya ganun kamature kumilos at magsalit apero good thing about him is that tinatanggap niya pag may mga pagkukulang siya at alam niya kung ano ang ginagawa niya. Madalas man siyang martyr, kontento na siya sa buhay niya ngayon.
Jeryl Jermaine Maniulit
-Ang taong puno ng TALENT. Pasayawin mo, kahit anong klase ng sayaw ay kayang kaya niya. Pakantahin mo, kahit pang-ilang octave ay abot niya. Paactingin mo, kahit anong role kayang kaya niya. Si Jhei ang taong hindi nauubusan ng energy at rason para maging masaya. Siya ang taong magaiging masaya ka parati pag nakasama mo.
Si mariel ang bestfriend niya.
Si Jhei din ang taong ayaw may nakikitang malungkot sa mga kaibigan niya. Hindi siya nauubusan ng jokes, Korny man o hindi, bumebenta pa rin pag siya na yung nagjojoke.
Mariel Quiogue
-Nakita niyo na malamang si Dora sa telebisyon. Eh di nakita niyo na rin si Mariel. Siya ang mahiwagang dora ng grupo. At siya ang makikipag-away para kay sponge bob. Makulit na tao si Mariel pero ang galing magadvice. Siya din ang parating naguunite sa group lalo na pag namimis niya na mabuo yung bilog.
Si Jhei ang bestfriend ni Mariel.
Talented din sumayaw si Mariel. Pwede rin kumanta (comments?). Basta, kapag pinagsama mo sila ni Jhei, isang malaking kaguluhan ang magaganap. Yung tipong akala mo sampung tao yung naguusap usap.
Maria Lourdes Santos
-Ang chinitang cute galing sa mabahaing lungsod ng Malabon. Magaling sumayaw at kumanta. Si Des ang pinakamalambing sa grupo. She speaks her heart out. Siya lang ang hindi nagsasabi na mayaman siya. Bili ba naman ng bili ng biglaan. Ayaw niyang may nasasaktan dahil sa kanya kaya she tries to make adjustments parati. Yun nga lang, since kilala ko na talaga siya, alam ko pa din yung mga nasa loob niya kahit tumatawa siya.
Si Eks ang bestfriend niya. Si Cleve ang Yats niya. Si Mudir ang beb niya.
Madali lang naman mapasaya si Des eh. Yun nga lang hindi kasi lahat maiintindihan siya kapag may mga oras na talagang sabaw ang isipan niya. Si Des din ang pinakamagaling pagdating sa literature.
Masayang kasama ang mga taong ito. Ikaw? Ano ang kwento ng iyong barkada?
2 Comments »
Leave a Reply
-
Recent
-
Links
-
Archives
- November 2011 (1)
- February 2010 (4)
- January 2010 (2)
- November 2009 (2)
- July 2009 (5)
- June 2009 (8)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS
me is crying.
me is miss you guy na.
me is believe that everything’s gonna be ok.
hahahahaha!! parang ang sayang isulat din ung mga naging barkada ko noon. hahaha! nagtry ako isulat sa “diary” nung nagdidiary pa ko, kaso, sa sobrang haba, di na kinaya.. hahaha! hmm.. blogging about..? ill see.. XD .. thanks for sharing! ^^ ..ngayon, alam ko na ung TUKS sa mga gms ni des ^^ <3 <3 <3 keep it up! be strong! ^^